Lumaktaw sa pangunahing content

Uri ng mga estudyante📖



Bilang isang mag aaral dapat focus natin ang ating mga sarili sa mga gawain sa loob ng silid aralan, dapat hindi natin inuuna ang mga gadgets gaya nga cellphone at iba pa. Imbis na mag selfie ka buong araw dapat ay gampanan mo muna ang iyong tungkulin bilang mag aaral at unahin ang mga gawain sa paaralan sa pagkat ang mga gadgets ay nakakaapekto lamang sa iyong pag aaral.




Ang paaralan ay hindi bahay at lalo ng hindi kwarto, kaya wag nating tulogan habang wala pang klase. Wag aksayahin ang libreng oras imbis na matulog dapat gamitin ang bakanteng oras sa pag gawa ng mga proyekto at iba pa, iwasan ang matulog sa paaralan dahil kawalang respeto yan bilang isang mag aaral






Isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto nating mag aral ay dahil yun  sa mga taong gusto nating makita sa loob ng paaralan gaya na lamang ng kasintahan natin, pero sana hindi maapektuhan ang imahe natin sa loob nga paaralan hindi yan pinagbabawal pero sana  wag sa loob ng paaralan dahil ang paaralan ay ginawa para matuto tayo sa mga tamang landas natin sa buhay






Ang  pag gawa ng mga gawain paaralan ay siyang  aspeto natin bilang mag aaral. Dapat ay ibuhos natin ang ating oras sa mga gawain na hindi pa natatapos at para na rin makatulong na mas tumaas pa ang ating grado dahil ang pag gawa ng mga gawaing paaralan ay simbolo ng isang magiting na mag aaral.




Bilang isang mag aaral ay parang isang digmaan, nakakapagod minsan nga gusto na nating sumoko, pero sa bandang huli kapag nag pursige ang ka ay makakamit mo rin ang totoong tagumpay ang hirap lumaban pero ang sarap magtagumpay lalo nat alam mong binuhos mo ang lahat para lang maabot ang iyong mga mithiin sa loob ng paaralan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Magkaibigan pero magkapatid ang turingan💖

Unang araw ng skwela marami kang makikitang iba't-ibang uri ng studyante. Nakakatakot, hindi mo alam ang iyong gagawin. Nakakapanibago ang iyong paligid pero isa lang ang sigurado meron kang makikilala na makakasama at tutulong sayo. May mga taong di mo inaasahang darating at magkaroon ng halaga sa iyong buhay. Noong una silang makita akala mo suplada o panget ang ugali. Hindi mo inaakalang mabait pala ang mga ito at sila ay maging kaibigan mo. Kaibigan na nagtutulungan palagi pagnahihirapan ang isa sa klase nandyan sila para tulungan ka. Pilit na ipana-iintindi ang mga bagay na hindi mo maiintindahan. Nandyan sila sa lahat ng mga bagay na naghihirap ka dahil meron tayong pangako na sabay tayong aangat. Kaibigan sandalan mo sa paaralan mapa problema man o katarantaduhan. Kaibagan na hindi naghuhusgahan kundi nagtutulungan. Dahil ang tunay na kaibigan ay hindi ka pababayaan. Magkaibigan pero magkapatid ang turingan. Magkahawak k...

"Pagbabawal sa paggamit ng Plastik Bag"

Ang pagbabawal sa paggamit ng plastik ay mainit na pinag-uusapan ngayon. Ito ang malaking problema ngayon sa ating bansa dahil sa sobrang paggamit ng plastik na mahirap ng masolusyunan. Aang pag bawal sa paggamit ng plastik ay nakakatulong sa ating kapaligiran at sa ating karagatan. Ang paggamit ng plastik ay madali lamang ito at hindi hassle at pwede pa itong magamit at sa sobrang paggamit natin ng plastik ay nakakasira sa ating kalikasan maraming bagay ang naapektuhan pwede itong mapunta saa ating karagatan na pwedeng makain ng mga isda. Dapat bigyan natin ng halaga ang ating kalikasan para sa mas magandang kinabukasan. Ayon sa "ecowatch.com" ay hangang sampung (10) sukat ng mga plastik kasama na rito ang mga plastik sa mga pamilihan ay napupunta sa karagatan araw-araw at kapag napunta ito sa karagatan ay maaring makain ito ng mga isda. Sa sobrang paggamit ng plastik ay hindi ito madaling mabulok aabot muna ng maraming taon ayon sa "dumpsters.com". Umaabot nam...