Sa aking pang araw-araw na pagpasok sa paaralan ay talagang nakakapagod kahit na tanghali pa ang aming klase. Sa pagpunta ko pa lang ay traffic na sa daan at napaka init at umuulan pa minsan at mahihirapan kang sumakay. Dahil tanghali na ang aking klase ay kay hirap bumangon dahil inaantok pa ako. Sa pag-uwi naman ay talagang napaka hirap sumakay. Dahil sa iskedyul naming 2:00 ng hapon hanggang 7:00 ng hapon ay talagang nakakapanibago kase nasanay na ako na maaga ang aking pasok , talagang nakakaantok sa hapon. Pero kahit na ganun ay kailangan kung magsumikap at napaka swerte ko dahil naka pag-aral pa ako , di katulad ng mga ibang bata na hindi naka pag-aral dahil sa kahirapan. Kahit nakakapagod minsan pero kailangan kung mag sumikap para masuklian ang pag hihirap ng aking mga magulang.Sa nakaraang limang buwan natutunan kung pahalagahan ang aking pag-aaral. Sa paaralan ko nakilala ang aking pangalawang pamilya. Kaya simula ngayon ay natutunan kung pahalagahan ang aking pag-a...