Sa aking pang araw-araw na pagpasok sa paaralan ay talagang nakakapagod kahit na tanghali pa ang aming klase. Sa pagpunta ko pa lang ay traffic na sa daan at napaka init at umuulan pa minsan at mahihirapan kang sumakay. Dahil tanghali na ang aking klase ay kay hirap bumangon dahil inaantok pa ako. Sa pag-uwi naman ay talagang napaka hirap sumakay. Dahil sa iskedyul naming 2:00 ng hapon hanggang 7:00 ng hapon ay talagang nakakapanibago kase nasanay na ako na maaga ang aking pasok , talagang nakakaantok sa hapon. Pero kahit na ganun ay kailangan kung magsumikap at napaka swerte ko dahil naka pag-aral pa ako , di katulad ng mga ibang bata na hindi naka pag-aral dahil sa kahirapan. Kahit nakakapagod minsan pero kailangan kung mag sumikap para masuklian ang pag hihirap ng aking mga magulang.Sa nakaraang limang buwan natutunan kung pahalagahan ang aking pag-aaral. Sa paaralan ko nakilala ang aking pangalawang pamilya. Kaya simula ngayon ay natutunan kung pahalagahan ang aking pag-a...
. Kay raming basura na nakakalat sa loob ng paaralan kahit saan ka tumingin talagang may makikita kang basura , mga mag-aaral kahit saan nagtatapon nang basura mapa hallway o canteen. Sa aking pagpasok ararw-araw ay talagang basura ang una mong makikita. Sa pagtatapon ng basura kahit saan kasama na rito sa silid aralan hindi nila alam na maaring itong bumara sa estero at masangsang na amoy nito ay maaring maka apekto sa ating kalusugan. Bakit hindi nalang nila itapon ito sa basurahan kung wala man silang makita na basurahan pwede naman nilang ilagay sa kanilang bag o sa kanilang bulsa bakit kailangan pang ikalat malaki na tayo meron na tayong tamang pag-iisip kung ano ang makakabuti sa hindi. Dapat hindi rason ang kawalan ng kamalayan kung paano mag tapon ng basura. Sa pagtatapon natin ng basura sa tamang lalagyan ay pwede pa tayong makatulong sa kalinisan sa ating kumunidad,.